Nagdeklara na ng State of Emergency sa Eastern Kentucky matapos umakyat sa 26 na indibidwal ang kabuuang bilang ng mga nasawi sa malawakang pagbaha.
Ayon kay Governor Andy Beshear, lumawak ang naging pinsala ng pagbaha at maraming pamilya ang nawalan ng tirahan kung saan, posible pa umanong lumala ang pag-ulan sa susunod na araw at posible pang madagdagan ang bilang ng mga nasawi.
Dahil dito, nagdeploy na ng mga crew members ang Kentucky National Guard Helicopters para ireskyu ang mga biktima ng pagbaha.
Sa ngayon, patuloy pang pinaghahanap ang iba pang katawan ng mga biktimang nasawi kung saan, karamihan dito ay mga kabataan.