Idineklara na ni United States President Donald Trump ang state of emergency sa buong Hawaii dahil sa inaasahang pagtama ng hurricane lane.
Sa tweet ni Trump, sinabi nitong nakatutok ang kanyang administrasyon at kasamang nag-momonitor sa bagyo.
Sa ulat ng National Oceanic and Atmospheric Administration, bahagya nang humina ang naturang bagyo at nasa category 4 – storm na lamang.
Ngunit inaasahang magdadala pa rin ito ng hanging aabot sa 215 kilometro kada oras bukod pa sa malakas na buhos ng ulan.
Nagpaalala ang US Weather Bureau sa mga residente ng Hawaii na dapat maging handa ang mga ito sa posibilidad na malawakang flashfloods at landslides.
Una nang sinabi ng US Navy na aalis muna nila pansamantala ang mga barko at submarines na nakadaong sa mga pantalan ng Hawaii.
—-