Nagdeklara na ng state of national emergency ang bansang Indonesia.
Bunsod na rin ito ng lumalalang problema dahil sa nangyaring forest fire sa nasabing bansa na nagdudulot ng haze o makapal na usok sa mga karatig bansa.
Ayon kay Indonesian Vice President Jusuf Kalla, matindi na ang pressure na kanilang natatanggap mula sa international community dahil sa epekto ng haze.
Sinabi pa ni Kalla na natagalan ang pagdideklara ng state of emergency nang unahin ni Indonesian President Joko Widodo ang kaniyang US trip kamakailan.
By Jaymark Dagala
*Photo Credit: @AFP