Isinailalim na sa state of calamity ang California dahil sa pag-leak ng methane gas mula sa isang underground storage field.
Nakaranas ang mga residente ng California ng sakit ng ulo, pagkahilo, pagsusuka at hirap sa paghinga dahil sa naturang leak.
Dahil dito agad na inilikas sa lugar ang tinatayang nasa 2,000 pamilya.
Kasabay nito, ipinag utos na ni California Governor Jerry Brown na gawin ang lahat ng paraan upang pigilan ang methane leak.
By Ralph Obina