Idineklara na ang state of emergency sa Hawaii matapos pumutok sa isang residential area ang isang bulkan doon.
Kasabay nito, nagpatupad din ang mga awtoridad ng pagpapalikas sa may isanlibo pitongdaang residente.
Makikitang kumukulong dumadaloy ang lava sa mga kakahuyan at mga kalsada dahilan upang maiktala ang mataas na antas ng mapanganib na sulfur dioxide gas.
Ang Kilauea volcano ang isa sa pinaka-aktibong bulkan sa buong mundo.