Idineklara ni US President Barack Obama ang federal state of emergency sa South Carolina dahil sa inaasahang pag-landfall ng hurricane Matthew sa Amerika.
Ipinag-utos ni Obama ang pagkakasa ng contingency measures at isinulong ang kooperasyon ng Homeland Security Department at Federal Emergency Management Agency para sa kaukulang disaster relief efforts.
Una nang nagdeklara ng state of emergency si Obama sa Florida na inaasahang hahagupitin ng hurricane Matthew mamayang gabi.
By Judith Larino
Photo Credit: NOAA via AP