Idineklara na ang state of emergency sa Venice, Italy matapos makaranas ng malawakang pagbaha.
Sa isinagawang cabinet meeting ng pamahalaan ng Italy, inaprubahan ang deklarasyon upang magamit ang nasa 20-M euro na gagamitin sa pagbangon ng siyudad.
Itinuro namang dahilan ni Venice Mayor Luigi Brugnaro ang climate change kung bakit nagkaroon ng high tide sa lugar na naging sanhi ng pagbaha.
Magugunitang naapektuhan ng naturang kalamidad ang ilan sa mga pinakakilalang monumento at lugar sa Venice tulad ng St. Mark’s Basilica.