Muling isinailalim sa state of emergency ang Japan sa ikatlong pagkakataon matapos sumirit ang COVID-19 cases dito dulot ng bagong variant sa coronavirus.
Sakop nang pinaiiral na state of emergency ang Tokyo at mga western metropolis ng Osaka, Kyoto at Hyogo.
Nagsimula kahapon at matatapos ng may 11 ang 17 araw na pagsailalim sa state of emergency ng mga naturang lugar sa Japan kung saan sarado na ang department stores, mall, theme parks, bar at restaurants, theaters at museums.
Gayunman mananatiling bukas ang mga paaralan at grocery store at online class para sa mga unibersidad.
Samantala sa kabila nang pagsirit ng kaso ng COVID-19 determinado ang gobyerno at organizers ng Tokyo Olympics na ituloy ito mula July 23 hanggang August 8 sa kabila ng mga panawagang ipagpaliban muna ito.