Idineklara na ang State of Emergency sa Southern Ischia sa Italy dahil sa landslide bunsod ng malakas na pag-ulan.
Ayon sa Campania Prefecture Office, pumalo na sa isa katao ang nasawi dahil sa landslide, sampu ang nawawala, walo ang nailigtas at higit dalawandaan ang inilikas.
May inihanda namang $ 2-M na pondo ang pamahalaan, para sa pagtulong sa mga naapektuhang residente.
Sa ngayon, nagpapatuloy pa rin ang search and rescue operations sa lugar para hanapin ang iba pang nawawala.