Pinalawig pa ng tatlong buwan ng gobyerno ng turkey state of emergency na umiiral sa kanilang bansa.
Ito ay kasunod ng nangyaring terror attack sa isang night club sa Istanbul noong bisperas ng Bagong Taon na ikinasawi ng tatlumpu’t siyam (39) katao.
Ayon kay Turkish Prime Minister Numan Kurtulmus, tatagal pa ng panibagong siyamnapung (90) araw ang state of emergency na aprubado aniya ng kanilang parliyamento.
Matatandaang Hulyo pa ng nakaraang taon isinailalim sa state of emergency ang Turkey matapos ang nabigong kudeta ng may apatnapung libo (40,000) katao.
By Ralph Obina