Bukod sa pagpapatupad ng Martial Law, naniniwala ang pamunuan ng Armed Forces of the Philippines na isa rin sa magandang opsyon ang pagdedeklara ng State of Emergency sa ilang mga lugar na pinamumugaran ng mga bandidong Abu Sayyaf.
Ayon kay AFP Spokesman Brigadier General Restituto Padilla, naipatupad na rin naman, aniya, sa mga nakalipas na taon at administrasyon ang State of Emergency sa ilang bahagi ng Mindanao.
Taong 2009 nang ideklara ni dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo sa pamamagitan ng Proclamation 1946 ang State of Emergency sa 3 lugar sa Mindanao.
Ito ay ang Maguindanao, Sultan Kudarat Provinces, at Cotabato City kasunod ng karumaldumal na Maguindanao Massacre.
Gayunpaman, sinabi ni Padilla na wala na umano sa kanilang hurisdiksyon ang usaping ito, maging ang planong pagdedeklara ng Martial Law dahil isa itong political decision.
By: Avee Devierte