Hindi komporme si Senate Minority Floorleader Ralph Recto na indefinite ang idineklarang state of lawless violence ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Sinabi ni Recto na bagamat suportado niya ang naging hakbang ng Pangulo, pero dapat ay may expiry date o sunset provision ang pag-iral ng state of lawless violence.
Binigyang-diin ni Recto na sa ganitong paraan ay magkakaroon ng pressure para magsumikap ang pamahalaan na sa lalong madaling panahon ay maibalik sa normal ang sitwasyon sa bansa.
Sakali man aniyang mabigong matamo sa itinakdang deadline ang pagresolba sa lawless violence, maaaring palawigin ang idineklarang state of lawless violence.
Iginiit ng Senador na mas magandang magsagawa na ng renewal sa state of lawless violence declaration kesa sa magdeklara ng walang kasiguraduhan kung hanggang kailan ito iiral.
By: Meann Tanbio / (Reporter No. 19) Cely Bueno