Hindi maihahalintulad sa Martial Law ang idineklarang State of Lawless Violence ni Pangulong Rodrigo Duterte
Ito ang binigyang diin ng Malakaniyang kasunod ng nangyaring pagpapasabog sa Roxas Night market sa Davao City nitong Biyernes ng gabi
Ayon kay Chief Presidential legal counsel Salvador Panelo, pagpapaigting lamang sa seguridad ng bansa ang layunin ng nasabing deklarasyon at walang sinususpindeng anumang karapatan sa ilalim ng batas
Sa ilalim aniya ng saligang batas, binibigyang kapangyarihan ang Pangulo ng bansa na pakilusin ang sandatahang lakas bilang commander in chief ng bansa
Samantala, sinabi ng Pangulong Rodrigo Duterte na titignan lahat ng mga posibilidad upang matukoy kung sino o anong grupo ang nasa likod ng insidente
Labing apat ang kumpirmadong nasawi habang mahigit pitumpu naman ang naitalang sugatan sa nangyaring pagpapasabog
“well everybody is a suspect of course ASG may defend so we will look into that, about narco-politics, it is also considered. There will be I said a reprisal of all of this things may be because of the Sulu incident at least we know who made the threats, ang importante alam natin kung sino yang nananakot”. Pahayag ni Pangulong Duterte
By: Jaymark Dagala