Tiniyak ni PNP Chief, Dir. Gen. Ronald “bato” Dela Rosa na hindi mauuwi sa martial law ang idineklarang State of Lawlessness ni Pangulong Rodrigo Duterte matapos ang Davao City bombing.
Ayon kay Dela Rosa, malayong magdeklara ng batas militar ang Pangulo dahil kontrolado naman ng pamahalaan ang sitwasyon.
Naki-usap naman si Bato sa mga naghihinala na tumigil na dahil lalo silang nakadaragdag sa pangamba at takot ng publiko.
Tiniyak din ni Bato na sa ilalim ng pagpapatupad ng state of lawlessness ay hindi sila aabuso sa batas partikular sa karapatang pantao.
By: Drew Nacino