Inihayag ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na hindi pa kailangang magdeklara ng state of calamity ang bansa.
Kasunod ito ng naitalang lindol sa Abra at iba pang lugar sa Luzon kahapon ng umaga.
Ayon kay PBBM, ang Region 1 at Cordillera Administrative Region (CAR) lamang ang pinaka naapektuhan ng pagyanig.
Sinabi ng pangulo na kasalukuyan nang tinutugunan ng ibat ibang ahensya ng gobyerno kabilang na ang DSWD, NDRRMC, at LGUs ang pangangailangan ng mga apektadong pamilya sa mga nabanggit na lugar.
Inaalam narin ng pamahalaan ang kabuuang danyos o pinsala na iniwan ng lindol.