Epektibo pa rin ang state of national emergency sa Mindanao sa kabila ng pagtatapos ng martial law.
Ang Proclamation No. 55 o Declaration of National Emergency ay ipinalabas ng Pangulong Rodrigo Duterte matapos magkaroon ng pambobomba sa Davao City –anim na buwan matapos syang mahalal bilang pangulo.
Ayon kay Zia Alonto Adiong, miyembro ng Bangsamoro Transition Authority Parliament, mangangahulugan ito na pwede pa ring magpatupad ng curfew at maglagay ng checkpoints sa isang lugar sa Mindanao.
Nauna nang sinabi ni Defense Secretary Delfin Lorenzana na sa kahit wala nang martial law, mananatili sa Mindanao ang mga idineploy na puwersa upang agad makatugon sa anumang banta ng karahasan.