Idineklara na ang ‘State of Power Crisis’ sa Occidental Mindoro.
Ito ay matapos mag-blackout ang buong lalawigan nang i-shutdown ng supplier ang kuryente matapos hindi payagang makapag-operate ng Energy Regulatory Commission (ERC).
Ayon kay Occidental Mindoro Vice Governor Diana Tayag, isang dekada nang problema sa Occidental Mindoro ang suplay ng kuryente, pero mas lumala pa ito ng biglang mag-shut down ang operasyon ng OMCPC noong June 25.
Bagaman pansamantalang naibalik ang suplay ng kuryente matapos atasan ng ERC ang OMCPC na ibigay ang suplay ng OMECO, hindi naman buong 12 megawatts ang ibinalik.
Nasa 25 hanggang 27 megawatts ang kailangan probinsiya.
Sa ngayon, nanawagan na ang OMECO ng temporary approval mula sa ERC upang madagdagan nang ibinibigay na megawatts supply.