Posibleng palawigin ang state of public health emergency hanggang sa katapusan ng taon.
Ito ang inanunsiyo ni Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos Jr. sa harap ng nalalapit na pagtatapos nito sa a-12 ng Setyembre.
Ayon kay Pangulong Marcos Jr., maraming tulong ang ibinibigay ng international medical community partikular na ang World Health Organization (WHO) sa ilalim ng public health emergency.
Dagdag ng punong ehekutibo na kapag itinigil ang implementasyon nito, matitigil din ang mga tulong at suporta na natatanggap ng bansa mula sa international medical community para malabanan ang COVID-19 kaya naman kabilang sa kanilang tinitignan ngayon ang pag-amyenda sa naturang batas.
Maliban dito, hindi na rin magiging libre ang bakuna laban sa COVID-19 dahil aalisin na ang Emergency Use Authorization (EUA) at bibilhin na sa pribadong sector ang mga bakuna laban sa COVID-19.
Unang idineklara ang state of public health emergency ni dating Pangulong Rodrigo Duterte noong Marso 2020. – sa panulat ni Hannah Oledan