Naghahanda na ang Malakanyang para sa Apat na araw na biyahe ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Myanmar at Thailand na bahagi ng kanyang introductory visit sa mga kapitbahay na bansa sa Asya.
Ayon kay Foreign Affairs Spokesman Charles Jose, tanging ang nabangit na mga bansa ang hindi pa nabisita ng Pangulo.
Matatandaang nagtungo sa Bangkok ang Pangulo noong Nobyembre hindi para sa official visit kundi para makiramay sa pagkamatay ng hari ng Thailand na si Bhumibol Adulyade.
Sa kanyang official visit sa Thailand at Myanmar, maraming kasunduan na lalagdaan sa pagitan ng Pilipinas at ng nabanggit na mga bansa maging ang bilateral meetings ng Pangulo sa mga matataas na opisyal ng dalawang nabanggit na bansa.
By: Drew Nacino / Aileen Taliping