Binigyang-diin ng National Economic and Development Authority (NEDA) ang kahalagahan ng mga biyahe ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa ibang bansa.
Sa Laging Handa Briefing, sinabi ni NEDA Usec. Rose Marie Edillon na malaki ang maitutulong nito sa paglakas pa ng ekonomiya ng Pilipinas.
Ayon kay Edillon, ito ang kailangan para maparami pa ang economic activity sa ating bansa.
Samantala, kinumpirma ng Office of the Press Secretary na bibisita si Pangulong Marcos sa China sa pagpasok ng susunod na taon.
Ayon kay OPS OIC Usec. Cheloy Garafil, tinanggap na ng Presidente ang imbitasyon ni Chinese President Xi Jinping at ng gobyerno ng China.
Nabatid na isang state visit ang gagawin ng Punong Ehekutibo sa China sa January 3 hanggang January 6, 2023.
Sa ngayon, ayon sa OPS, hinihintay pa ng Malakanyang ang pagkumpirma ng Chinese government sa nasabing aktibidad.
previous post