Magandang bagay para sa bansa lalo na sa ekonomiya ang ginawang state visits ni Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos Jr.
Ito ang inihayag ni National Economic Development Authority (NEDA) Undersecretary Rosemarie Edillon, na isa ito sa mga istratehiyang tinitingnan nila para sa susunod na Phlippine Development Plan (PDP) ng kanilang ahensya.
Sa pamamagitan nito, marami aniyang malilikhang trabaho dahil sa mga investments na papasok sa bansa.
Napaka-strategic din ani Edillon na ang Indonesia at Singapore ang napiling bisitahin ni Pang. Marcos dahil kapwa karatig bansa lamang ng Pilipinas. —sa ulat ni Jopel Pelenio (Patrol 17)