Patay ang station manager ng isang radio station sa Bislig City sa Surigao del Sur nang tambangan ng mga hindi pa nakilalang suspek.
Kaagad nasawi ang 29 anyos na si Christopher Iban Lozada, station manager ng Prime Broadcasting Network.
Nagtamo ng tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng kanyang katawan si Lozada.
Nadamay pa ang live in partner ni Lozada na si Honey Faith Tuyco Indog, na kasama nito sa sasakyan nang pagbabarilin ng mga suspek na sakay naman ng isang van.
Inaalam pa ng mga otoridad ang motibo sa nasabing krimen.