Nais ng kampo ni dating Pangulo ngayo’y Pampanga Congresswoman Gloria Macapagal Arroyo na palawigin pa ng hanggang anim na buwan ang status quo ante order ng Korte Suprema.
May kaugnayan ito sa multibilyong pisong anomalya hinggil sa paggamit umano ng intelligence fund ng Philippine Charity Sweepstakes Office o PCSO.
Ayon kay Atty. Lawrence Arroyo, abogado ng mambabatas, ihahain nila ito sa pamamagitan ng isang mosyon sa Korte Suprema.
Magugunitang ipinatigil kamakailan ng High Tribunal ang pagdinig ng Sandiganbayan sa plunder case ni Arroyo na magtatagal ng isang buwan.
By Jaymark Dagala | Jill Resontoc (Patrol 7)