(To be Updated)
Muling ipinagpaliban ng Korte Suprema ang paglalabas ng desisyon kaugnay sa isyu ng pagpapalibing kay dating Pangulong Ferdinand Marcos sa Libingan ng mga Bayani.
Ayon sa source ng DWIZ Patrol, pinalawig pa ng SC ang ‘Status Quo Ante Order’ na inilabas nito ukol sa Marcos burial.
Matatandaang September 18 pa dapat ihihimlay ang dating Pangulong Marcos sa Libingan ng mga Bayani ngunit nagpalabas ng status quo ante order ang Korte Suprema para bigyang daan ang masinsinang deliberasyon kabilang ang oral arguments ukol dito.
Nakatakdang muling magsagawa ng En Banc session ang mga mahistrado sa naturang isyu sa darating na November 8.
Una rito ay tiniyak ng Pangulong Rodrigo Duterte na kanyang igagalang anuman ang maging desisyon ng Korte Suprema.
Details from Bert Mozo (Patrol 3)