Hinikayat ng Department of Trade and Industry (DTI) ang mga establisyemento at mamimili na gamitin ang digital contact tracing app ng pamahalaan na staysafe.ph.
Ayon kay DTI Secretary Ramon Lopez, bukod sa mas magiging madali para sa pamahalaan ang pagsasagawa ng contact tracing dahil sa staysafe.ph app, hindi na rin kakailanganin ng customer na magsulat pa sa mga health declaration form.
Sa ganito paraan aniya ay mas magiging ligtas ito sa mga mamimili at makababawas sa tsansa ng hawaan.
Sinabi Lopez, sa pamamagitan ng naturang mobile application, maaaring gumawa ng sariling QR code ang isang customer na maaaring niyang i-scan sa entrada ng mga establisyemento o tindahan na gumagamit din nito.
Samantala, maaari namang magprint ng sariling QR codes ang mga customer na walang smartphones.