Muling ipagbabawal ang staycation sa mga hotel sa Metro Manila at mga karatig lalawigan nito na nasa ilalim ng NCR plus bubble.
Ito ang inanusyo ni Toursim Sec. Berna Romulo – Puyat sa harap ng muling pagpapatupad ng enhanced community quarantine (ECQ) sa mega manila ngayong Semana Santa.
Ibig sabihin, hindi muna maaaring tumanggap ng bisita ang mga hotel para sa leisure purposes sa halip, tanging mga quarantine hotels lamang ang maaaring mag-operate.
Kasunod nito, mahigpit na binilinan ni Sec. Puyat ang mga pamunuan ng quarantine hotel na higpitan pa nila ang pagpapatupad sa health and safety protocols upang hindi na kumalat pa ang COVID-19.
Kinumpirma rin ng kalihim na mag-aabot ng financial assistance ang pamahalaan sa tourism stakeholders sa pamamagitan ng Bayanihan 2 act na pangangasiwaan ng Department of Labor and Employment (DOLE).