Pinapayagan na ng Department of Tourism (DOT) ang staycations sa mga lugar na nasa ilalim ng General Community Quarantine (GCQ).
Batay sa inilabas na guidelines ng DOT, pinapahintulutan na ang overnight stay sa mga hotel na hindi ginagamit bilang isolation o quarantine facilities.
Kailangan mag-aplay ng mga hotel ng Certificate of Authority to Operate para makapag accommodate ng staycations.
Dapat rin na mayroon silang 4 to 5 star rating mula sa DOT.
Inaasahan ng ahensyang makatutulong hakbang para makabangon muli ang ekonomiya at sektor ng turismo.