Wala pang nadedetect na “stealth omicron” sub-variant sa bansa.
Ito ang nilinaw ni Department of Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire kaugnay sa ba.2 sub-lineage na nadiskubreisang linggo matapos madetect ang omicron variant ng COVID-19.
Iginiit din niya na may kakayahan ang Philippine Genome Center na matukoy ang lahat ng posibleng variant na mayroon ang bawat sample sa ilalim ng genome sequencing process.
Sa ngayon, patuloy pang pinag-aaralan ng World Health Organization (WHO) at ng iba pang mga ekperto ang nasabing sub-variant kung saan batay sa kanilang initial findings, wala itong masyadong pinagkaiba sa kalubhaan ng sakit na dulot ng Omicron variant. - sa panulat ni Airiam Sancho