Patay ang 2 katao habang 3 iba pa ang malubhang nasugatan matapos mabagsakan ng ginagamit na poste bilang suporta sa ginagawang tulay sa kahabaan Subic Freeport Expressway (SFEX).
Ayon kay Wilma Eisma, Chairperson at Administrator ng Subic Bay Metropolitan Authority, bumigay ang steel girder na sumusuporta sa ginagawang Jadjad Bridge na may bigat na 180 tonelada at may habang 18 metro.
Kinilala naman ni Bataan PNP Director Col. Joel Tampis ang mga nasawi na sina Vivincio Pamisa at Marvin Tajores.
Patuloy naman iniimbestigahan pa ng mga otoridad ang naturang insidente.