Tumabo ng 50 points si Stephen Curry matapos maipasok ang lahat jumper kabilang ang 16 na 3-point shots sa 2022 NBA all star game.
Nanalo ang team Lebron, na kinabibilangan ni Steph, kontra team Durant, sa score na 163-160, sa kanilang paghaharpa kahapon.
Lingid sa kaalaman ng audience, naka-depende sa magiging laro ni Curry ang ibibigay niyang donasyon sa Cleveland Metro School District Charity.
Nabatid na nangako si Curry ng 1,000 dollars kada puntos sa all-star game; 3K dollars kada three pointer at dagdag na 10K dolars kapag tinanghal na All-Star Game MVP.
Dahil nagtapos ng may 50 points, 16 na tres at tinanghal pang All-Star Game MVP, 108K dollars o mahigit 5.5 million pesos ang ibibigay ni Curry sa naturang charity. -sa panulat ni Mara Valle