Balik court na si Stephen Curry matapos ang halos isang buwang pahinga.
Ayon kay Golden State Warriors Coach Steve Kerr, batay sa nakita niya sa kanilang practice game, nakakarekober na si Curry mula sa injury nito sa tuhod.
Napansin din ni Warriors Assistant Coach Ron Adams ang bumubuting kondisyon ni Curry.
Dahil sa kanyang injury, hindi nakalaro si Curry sa sampung games ng regular season ng NBA at sa unang tatlong games ng best of seven playoffs ng Warriors kontra sa San Antonio Spurs.