Nagpakitang gilas si reigning NBA MVP Stephen Curry sa kanyang muling paglaro para sa post-season games.
Tumipa ng NBA-record 17 points sa overtime, at nagtapos bitbit ang 40 points si Curry na kagagaling lang sa natamong knee injury.
Dahil dito, natakasan ngayon ng Golden State Warriors ang kahihiyan at sa halip ay naitaas ang bilang ng kanilang panalo sa 3-1 sa pagpapatuloy ng Western Conference semi-finals series.
Diniskaril ng Warriors ang Portland Trail Blazers, 132-125 sa overtime game.
Kapag maipanalo pa ng defending champion ang game five na gaganapin sa kanilang balwarte sa darating na Huwebes, diretso na ang koponan sa Conference Finals.
By Mariboy Ysibido
Photo Credit: USA Today Sports