Nakatakdang sumailalim si Golden State Warriors Star Stephen Curry sa magnetic resonance imaging o MRI dahil sa tinamo nitong injury sa kanang tuhod.
Kasunod na rin ito ng pagkakadulas ni Curry sa first half ng laban kontra Houston Rockets nitong Linggo.
Matatandaang dalawang beses na hindi nakalaro ang reigning NBA Most Valuable Player dahil sa iniindang right ankle injury.
Umaasa naman si Warriors Coach Steve Kerr na magiging maayos ang lagay ni Curry matapos nitong sumailalim sa MRI.
By Meann Tanbio
Photo Credit: AP Photo/David J. Phillip