Naging masaya ang paghohost ni Steve Harvey sa 65th Miss Universe Pageant.
Bagaman ipinaalala niya sa mga manonood kung paano siya nagkamali sa pagtawag ng itinanghal na Miss Universe noong isang taon, nakuha pang magpatawa ni Harvey.
Natatawa niyang sinabi na pinalinaw niya ang kanyang mga mata para hindi na magkamali sa pagkakataong ito.
Sinabi niya rin kay 2015 Miss Universe Pia Wurtzbach na noong huli nilang pagsaluhan ang entablado, runner-up lamang siya ngunit sa loob lamang ng wala pang kalahating minuto.
Pinasalamatan ni 2015 Miss Universe si Steve dahil ginawa siya nitong pinakasikat na Miss Universe.
Binalikan naman ni Steve si Pia sa pagsabing ginawa siya nitong pinakasikat na Host.
Samantala, nang magharap naman si 2016 Miss Colombia Andrea Tovar, inamin niyang maraming colombian ang nagalit sa kanya nang magkamaling tawagin bilang Miss Universe ang kanilang kandidata noong isang taon.
Gayunpaman, sinabi ni 2016 Miss Colombia na mahal pa pa rin niya ang Host.
By: Avee Devierte
Photo Credits to Steve Harvey's Instagram