Nag-leave bilang head coach ng Golden State Warriors si Steve Kerr.
Ito ay para magpagaling sa ang iniindang injury nito sa likod.
Ayon kay Warriors Center Andrew Bogut, hindi pa matiyak kung kailan makakabalik si Kerr ngunit pansamantala munang hahalili dito ang assistant coach na si Luke Walton.
Sinabi ni Bogut na kailangan nang harapin ni Kerr ang injury nito upang hindi aniya maging problema habang nasa kalagitnaan sila ng regular season.
Matatandaang noong Hulyo ay inoperahan si Kerr dahil sa ruptured disc sa likod nito.
By Ralph Obina