Aabot lamang sa 33% ng mga mayroong Human – Immunodeficiency Virus o HIV sa bansa ang nasa ilalim ng government treatment program dahil sa “stigma” at diskriminasyon.
Ito’y batay sa pag – aaral ng Department of Health (DOH), kasabay ng World AIDS Day nitong Disyembre 1.
Ayon kay Health Secretary Francisco Duque, mayroong kabuuang 46,985 HIV positive cases sa bansa simula pa noong 1984.
Gayunman, mahigit 202,000 lamang ang nagpa – admit sa libreng Anti – Retroviral Therapy o ART.