Balik-operasyon na ngayong araw ang small town lottery (STL) sa Ilocos Norte at Nueva Ecija.
Sa inilabas na kalatas ng pamunuan ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO), kasabay ng pagbabalik-operasyon ng STL sa dalawang lalawigan, ipatutupad ang mga safety health protocols kontra coronavirus disease 2019 (COVID-19) batay na rin sa guidelines ng Inter-Agency Task Force.
Batay sa tala ng PCSO, sa Ilocos Norte, mayroon lamang operasyon ng STL sa Lucky Pick Amusement Development Inc.
Habang sa King’s 810 Gaming Corporation lang mayroong operasyon ng STL sa Nueva Ecija.
Pagdidiin ng PCSO, mananatiling suspendido ang operasyon ng STL sa mga lugar na hindi nabanggit.