Naghahanda na ang pamunuan ng basilika minore ng Senyor Sto. Niño sa Cebu sa muling pagbubukas nito sa publiko.
Ito’y ayon kay Fr. Andres Rivera Jr., ito ay dahil sa tuluyan nang nagnegatibo sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) ang lahat ng mga tauhan ng nasabing simbahan.
Magugunitang napaulat na nagpositibo sa virus ang lima sa 41 tauhan ng basilika nuong nakalipas na buwan na siyang dahilan kaya’t kinailangan itong isara sa publiko.
Bagama’t nasa ilalim ng modified enhanced community quarantine (MECQ) ang buong lungsod ng Cebu, sinabi ni Fr. Rivera na maglalabas sila ng mga panuntunan hinggil sa muling pagbubukas sa publiko ng nasabing simbahan.
Ang basilika ng Sto. Niño ang isa sa mga lugar sa lungsod na pinaka-pinupuntahan ng mga turista at mga lokal dahil sa kanilang masidhing pananalig sa batang Hesus.