Nakatakdang italaga bilang isang Archdiocesan Shrine ang Santo Niño Parish sa Tondo.
Inanunsyo ito ni Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle ilang araw bago ang pagdiriwang ng kapistahan ng Santo Niño.
Nagmula naman sa petisyon na pinangunahan ni Father Estelito Villegas ang naturang pagtatalaga na inaprubahan ng Cardinal.
Giit ni Tagle, kaakibat ng titulong pagiging dambana ang layuning makiisa sa pagkakakilanlan ni Hesus at sa pagpapalaganap ng mabuting salita.
Samantala, pormal na itatalaga ang parokya bilang isang Archdiocesan Shrine sa ika-lima ng Pebrero.
—-