Sa gitna ng Global Supply Shortage o kakulangan ng suplay sa mundo, patuloy na nag-iingat sa pagtaas ng presyo ang manufacturers upang mapanatili ang mababang presyo ng mga produkto sa bansa.
Sa naging interview ng DWIZ sa Pangulo ng Philippine Amalgamated Supermarkets Association na si Steven Cua, sinabi niyang nagkakaroon ng “Add-ons” o discounted sa mga produkto sa mga pamilihan o ang tinatawag na “Buy-2-take-1” upang makatipid ang mga mamimili at hindi maramdaman ang tumataas na presyo ng mga produkto sa merkado.
Kabilang sa mga nagtaas ang presyo ay ang karne, isda, gulay, itlog, mantika, tinapay, mga delata maging ang mga bottled water dahil umano sa Stock-Keeping Unit (SKU) kung saan, nakabase sa mga brand, sukat o laki at timbang ang pagtaas ng presyo ng mga produkto.
Nagpaalala naman si Cua sa mga mamimili upang makatipid sa mahal na presyo ng bilihin dahil narin sa sunod-sunod na pagtaas ng presyo sa produktong petrolyo. —sa panulat ni Angelica Doctolero