Maghihintay pa ng 10 hanggang 25 minuto ang mga motorista sa pagdaan ng mga convoy sa mga itinalagang kalsada kaugay sa 31st Association of Southeast Asian Nations o ASEAN Summit.
Ipinabatid ito ni Metro Manila Development Authority o MMDA Spokesperson Celine Pialago na nagsabing apektado ng protocols ang Clark, SCTEX, NLEX at buong kahabaan ng EDSA.
Sinabi ni Pialago na stop and go approach ang tawag sa nasabing panuntunan kung saan pagbibigyang dumaan sa dapat nitong daanan ang mga convoy.
Kabilang sa mga dagdag na lugar na apektado ng protocol ang Monumento, Pasay, 5th Avenue, Bonifacio Global City, Roxas Boulevard, Ayala, Makati Avenue, Pasay, Lawton hanggang Makati.