Ipatutupad ang stop and go scheme sa Skyway at South Luzon Expressway (SLEX) simula ngayong araw hanggang Nobyemre 22.
Ito ay para bigyang daan ang pagpapatayo ng Circumferential Road 5 (C-5) Southlink Expressway.
Pagdudugtungin nito ang C-5 at Cavite Expressway (CAVITEX).
Epektibo ang naturang scheme mula alas diyes ng gabi hanggang alas kwatro ng madaling araw kada 15 minuto magsasara at magbubukas ang mga bahagi ng Skyway at SLEX sa mga motorista.
Nabatid na nagkakahalaga ng P10 bilyon ang naturang proyekto.