Top 5 sa Philippine trends sa Twitter ang mga ‘hashtag’ na may kaugnayan sa pagpatay ng isang pulis Parañaque sa isang mag-ina sa Paniqui, Tarlac.
Mag-aalas-8 ng umaga nang mag-number 1 trending sa Philippine trends sa Twitter ang #StopTheKillingsPH at sinundan ng mga #PulisAngTerorista, #EndPoliceBrutality, #JusticeForSonyaGregorio at #MyFatherIsAPoliceMan.
Ang mag-inang Sonya Gregorio, 52-taong gulang at Anthony Gregorio, 25-anyos ay nasawi matapos barilin ng pulis na si Senior Master Sergeant Jonel Nuezca, 46-taong gulang.
Si Nuezca na aktibong pulis at nakatalaga sa Parañaque City Crime Laboratory ay sumuko rin kagabi sa Chief of Police ng Rosales Police Station sa Pangasinan.