Pinasasagot ng Presidential Electoral Tribunal sa COMELEC o Commission on Elections ang gastusin para sa overseas storage ng mga election materials.
Ito’y may kaugnayan sa inihaing electoral protest ni dating Senador Ferdinand Bongbong Marcos laban kay Vice President Leni Robredo.
Kinatigan ng P.E.T ang mosyong inihain ni Marcos na kumukuwesyon sa naging pahayag ng poll body na dapat balikatin ni Marcos ang gastusin para sa storage fees ng mga ballot boxes at iba pang election materials mula sa ibang bansa.
Giit ng COMELEC, hindi maaaring ibalik sa Pilipinas ang mga naturang kagamitan sa bisa ng inilabas na PPO o Precautionary Protective Order ng P.E.T.