Nagpasya ang pamunuan ng Light Rail Transit Authority o LRTA na pansamantalang itigil ang pagbebenta at pagtanggap ng mga stored value tickets sa mga mananakay ng LRT Line 1 Southbound na biyaheng Roosevelt-Baclaran simula sa Sabado, Mayo 23.
Ipinaliwanag ng LRTA na hindi pa kasi nakukumpleto ang paglalagay ng mga bagong Automated Fare Collection System o AFCS sa mga gates sa LRT.
Ayon sa LRTA, sa ngayon ay ticket coupon muna ang gagamitin para sa single journey ticket 2 at 3 na nagkakahalaga ng P15 at P20, habang uncoded ticket naman para sa single journey ticket 1 o ticket na nagkakahalaga ng P30.
By Meann Tanbio