Naglunsad ng isang storybook ang Department of Education o DepEd at Japan International Cooperation Agency o JICA para sa mga batang mag-aaral.
Layon ng paglilimbag ng aklat na may pamagat na “What Happens in Disasters” na imulat ang mga mag-aaral sa paghahanda sa kalamidad o disaster preparedness.
Ito’y inilunsad sa Pasig Elementary School sa Pasig City at naglalaman ng mga accounts o salaysay ng mga nakaligtas sa mga kalamidad o delubyong tumama sa iba’t ibang panig ng bansa.
Sinasabing umabot sa 120 katao ang na-interview sa 22 eskwelahan sa 5 school divisions na kinabibilangan ng Bohol, Legazpi City, Leyte, Maynila at Samar.
By Jelbert Perdez
Photo Credit: Screengrab from abnerdelina/Instagram