Kumikilos na ang pamahalaan para tulungan ang mga Overseas Filipino Workers o OFW na na-stranded sa Hong Kong matapos makabili ng pekeng ticket pauwi ng Pilipinas.
Sinabi ni Labor Secretary Silvestre Bello na nakikipag-ugnayan na ang kanilang ahensya sa Philippine Airlines at Department of National Defense o DND para maayos ang flights ng mga apektadong OFW na aabot sa 200 hanggang 1,000.
Dagdag pa ni Bello, nakatanggap na siya ng kumpirmasyon mula sa PAL na ginagawan na nila ng paraan para ma-accommodate at mapauwi ang mga stranded na OFW bago mag-Pasko.
Samantala, humingi naman ng pang- unawa ang management ng Peya Travel na nag-proseso sa ticket ng mga OFW at sinabing nagkaroon lamang ng problema na ‘technical glitch’.
—-