Pinatutulungan sa pamamahalaan ni 1-Pacman Partylist Representative Enrico Pineda ang nasa higit 200 mga seafarers na kasalukuyang naka-quarantine at stranded sa dalawang hotel sa Metro Manila.
Ayon kay Pineda, batay sa mga natatanggap niyang report, Oktubre pa lang at naka-quarantine na sa iba’t-ibang hotel ang mga seafarers na walang natatanggap na allowance o anumang kompensasyon.
Bukod pa rito, ani Pineda, hindi rin nakakain ng mgaayos ang mga seafarers.
Iginiit ni Pineda na hindi ito makatarungan dahil lumabas naman na negatibo ang mga ito sa COVID-19.
Dahil dito, agad na nakipag-ugnayan na ang kanyang tanggapan sa DOLE at OWWA para makausap ang manning agency ng mga seafarers para malaman kung ano-ano ang pwedeng ibigay na tulong sa mga ito.
Pinag-aaralan na rin ni Pineda ang pagsasagawa ng imbestigasyon hinggil sa kalagayan ng mga na-stranded na seafarers.