Balik-bansa na ang mahigit tatlong daang OFW na stranded sa UAE.
Ayon sa DFA, ang 359 OFWs ay bahagi ng ika-10 repatriation flight mula sa UAE na isinulong ng gobyerno simula noong buwan ng Hulyo.
Tiniyak ng konsulado ng bansa sa UAE ang patuloy na pagpapauwi ng mga OFW doon sa kabila ng pagbabawal ng gobyerno na mga biyahero mula sa UAE na makapasok sa bansa para makaiwas sa delta variant ng COVID-19.
Gayunman, hinimok ni Consul General Paul Raymund Cortes, pinuno ng Philippine Mission sa Dubai at mga kalapit na Northern Emirates, ang mga OFW na huwag munang maghain ng repatriation request hangga’t hindi urgent ang kanilang sitwasyon.