Stranded pa rin sa Europe at Africa ang nasa halos 100 pinoy workers dahil parin sa banta ng Omicron variant.
Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA), 50 pilipino ang stranded pa rin sa Europe habang nasa 49 naman ang stranded sa South Africa makaraang ilagay sa ‘red list’ ng Pilipinas.
Sa pahayag ni Foreign Affairs Undersecretary Sarah Lou Arriola, mayroon pang 7 bansa ang nasa red list hanggang December 15 kabilang na dito ang Austria, Czech Republic, Hungary, the Netherlands, Switzerland, Belgium, at Italy.
Bukod pa dito, inilagay din sa red list ang South Africa, Botswana, Namibia, Zimbabwe, Lesotho, Eswatini, at Mozambique matapos na unang mapaulat ang Omicron variant sa mga naturang rehiyon.
Dahil dito, hinikayat ni Arriola ang mga pinoy na apektado ng bagong travel restrictions na makipag-ugnayan sa Philippine Embassies at consulates upang matulungan silang makauwi. — Sa panulat ni Hya Ludivico